Connect with us

Hi, what are you looking for?

News trends

Caught on Cam: NBI, Ni-Raid ang Isang Online Store na Nagbebenta ng Pekeng Designer Bags sa Kalagitnaan ng Live Selling!

Usong-uso na ngayon ang online selling. Kahit pa kalagitnaan ng pandemic, kumikita pa rin ang mga vendors sa pamamagitan ng pagtitinda ng kanilang mga produkto gamit ang social media. Kasama na rito ang live-selling, kung saan ipinapakita ng mga sellers ang kanilang produkto ng live para mas mabusisi ito ng customers. Ngunit kamakailan lang, isang pasabog ang napanood ng mga customers sa live selling!

Kung ikaw ay mahilig sa mga designer bags, malamang ay alam mo rin ang Facebook page na Direck Paul’s Classroom, na pagmamay-ari ni Paulito Ballano.

Sikat ang page na ito bilang suppliers ng mga class A na designer bags. Kamakailan lang ay ni-raid ng mga opisyales mula sa National Bureau of Investigation ang shop ng Direck Paul Classroom.

Read Also: Kabit Serye: Jowa na Nagpaalam Lang Magpa-Change Oil, Nahuling May Kasamang Ibang Babae!

Naantala na lamang ang video nang biglang sumulpot ang mga NBI officers sa kalagitnaan ng live selling. Nagpakilala silang opisyales ng NBI, at diretsong kinumpiska ang mga bags na counterfeit.

Samantala, habang isinasagawa ang raid ay tuloy-tuloy naman sa pagre-record ang video, bagay na napanood ng mga netizens.

Sa kabilang banda, maraming netizens rin ang nagpaabot ng kanilang opinyon sa pangyayaring ito. Ayon sa ibang customers’ feedback, overpriced di umano ang mga bags at wallet na ibinebenta dito. Kadalasan daw, tubong lugaw ang kanilang presyo na umaabot sa mahigit P12,000 to P80,000.

“Eh yung mga benta nya preloved na iba galing japan (im not sure sa lahat ng benta nya if preloved) but nung naipost tong mga pictures na to may nag comment na nagsasabing “topgrade quality yung ibang bags nya pero sobrang laki ng patong, sa mga small business owners 200 lng patong ok na. E sa kanya 10k 5k ganon,” pahayag ng Facebook page na Luxury Bags PH.

Mayroon ring mga dating customers ang nag-reklamo sa di umano’y bad treatment na natanggap nila mula sa store. Ayon sa ibang customers, hindi raw maayos makipag-usap ang naghahandle ng Facebook page ng Direck Paul’s Classroom.

Read Also: “Sasabunutan kita”- Talagang Hindi Inasahan ng mga It’s Showtime Cast ang Ginawang Ito ni Vice Ganda sa Kanila

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.