Connect with us

Hi, what are you looking for?

viral

Disconnection Crew ng Isang Power Utility, Kinuyog ng May-ari ng Bahay na Puputulan ng Kuryente

Pinagtulungang bugbugin ng apat na kalalakihan ang isang kawani ng electric distribution utility sa Iloilo City na puputol sana ng kanilang linya ng kuryente sa Barangay Javellana, sa Jaro, Lunes ng tanghali.

Nakunan pa ng video ang pambubugbog ng may-ari ng bahay at mga kasamahan nito sa kawani ng MORE Power Corporation. Makikita rin sa video ang tangkang pag-awat ng kasamahan ng biktima.

Sa imbestigasyon ng Jaro Police, naka-schedule sana na putulan ng kuryente ang bahay ng suspek matapos na hindi makabayad ng kaniyang electric bill na umabot sa P26,000.

Ilang beses nang tinangkang putulan ng kuryente ang bahay ng suspek subalit palagi nitong binabantaan at tinatakot ang disconnection team, ayon sa awtoridad.

Nagtamo ng galos at pananakit ng katawan ang biktima.

Nakakulong na sa Jaro Police ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong direct assault to person in authority at physical injury.

Samantala, pinaghahanap na ngayon ng awtoridad ang mga kasama nitong nakatakas matapos ang insidente.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.