Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

“Game Over”- Ellen Adarna at Derek Ramsay, Engaged na Matapos ang Dalawang Buwan!

Tapos na ang mga Araw ng Puso, ngunit mukhang hindi pa tapos sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa pagpapakilig sa mga fans! Matatandaan nitong February lamang nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon. Ngayon, dalawang buwan matapos ang kanilang mmicrowave-romance, inanunsyo ni Derek na sa wakas ay engaged na sila ni Ellen!

Ilang araw bago sumapit ang kanilang 2nd monthsary, naghanda si Derek ng isang nakakakilig na proposal para kay Ellen. Ilang buwan pa lamang silang nagde-date, ngunit mukhang desidido na ang Kapamilya actor na gawing official ang kanilang engagement! March 30 nang ibahagi ni Ellen ang kumpirmasyon sa social media.

Read Also: Rudy Baldwin, Nahulaan Nga Ba ang Nakakakilabot na Pagpanaw ng Singer na si Claire dela Fuente?

Sa kanyang Instagram profile, ibinahagi ng sexy actress ang larawan ng proposal ni Derek sa kanya. Kapansin-pansin rin ang suot ni Ellen na tear drop-shaped diamond ring na iniregalo sa kanya ni Derek! May caption rin itong: “Game over.”

Sinigurado naman ni Derek na present ang kanilang malalapit na kaibigan at kapamilya upang masaksihan ang proposal na ito. Kasama rin nila ang anak ng aktor na si Austine at ang anak ni Ellen at John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sa kanilang nakaraang interview with PEP noong March 12, ibinunyag rin ni Derek na napag-uusapan na nila ang future ng kanilang relasyon. Ngunit noong mga panahong iyon, nilinaw ng aktor na ayaw nilang madaliin ang mga bagay bagay. Gayunpaman, aminado si Derek na si Ellen na ang babaeng nais niyang makasama.

“Di ba, may reputation ako na ayoko magpakasal dahil ako yung lalaki, and I’ve always been vocal na, ‘No, I want to.’ I’m just not rushing it, kasi I want to find the right person and talking about the future and talking about the M word seems so natural. Like, I have no fear. She’s the girl that I wanna spend the rest of my life with.”

Read Also: Kasambahay ni Vice Ganda, Napaiyak sa Takot Matapos ang Nakaka-Nerbyos na Prank na Ito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.