Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

“Hirap kumita”- Heart Evangelista, Napilitang Mag-Sexy Pictorial Dati Para sa Pera

Isa si Heart Evangelista sa mga pinakahinahangaang aktres at fashion icon sa industriya ng showbiz. Bukod sa kanyang angking talento sa pag-arte, kilala rin si Heart sa pagiging sosyal at classy nito! Sa social media, madalas i-flaunt ni Heart ang kanyang mga designer brands na gamit at mga international vacations. Ngunit alam niyo ba na naging gipit rin si Heart dati?

Galing sa mayamang angkan ng Ongpauco ang 36-anyos na aktres. Ngunit noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz, aminado si Heart na ang mga magulang niya ang humahawak ng perang kinikita niya sa showbiz. Kaya naman minsan ay nagkakaroon rin sila ng misunderstanding ng kanyang Mommy Cecile.

Read Also: Caught on Cam: NBI, Ni-Raid ang Isang Online Store na Nagbebenta ng Pekeng Designer Bags sa Kalagitnaan ng Live Selling!

Kamakailan ang ay nagbalik-tanaw si Heart sa isang nakakalungkot na experience niya sa buhay. Nagbahagi siya ng mga throwback photos ng kanyang sexy pictorial dati para sa isang sikat na rhum brand. Ngunit sa kabila ng kanyang glam look, aminado ang aktres na stressed na stressed siya noong mga panahong ito.

“I can’t believe I did this hahah #tanduay shoot 2014. My mom confiscated my money so I needed to do this. Hahah Hirap kumita. Sad eyes. Stressed. Literally wanted to cry here! Hahaha what an experience.”

Ayon kay Heart, ayaw niya talagang magkaroon ng sexy pictorial, ngunit napilitan siyang gawin ito dahil sa kanyang nanay. Noong mga panahong daw iyon, nag-away sila ng kanyang nanay dahil kay Chiz. Kinumpiska nito ang kanyang pera at nawalan rin siya ng access sa kanyang bank account, kaya naman napilitang rumaket si Heart upang kumita.

Masaya naman daw ang experience, ngunit kung papapiliin siya ay hindi na niya gugustuhing maranasan ulit ito. Nangyari ito taong 2013-2014, kung kailan nagsisimula pa lamang silang magkarelasyon ng senador. Ayon kay Heart, hindi boto ang mga magulang niya kay Chiz noon.

Read Also: “Kasal na agad”- Bea Alonzo,Sinabing Hindi na Raw Kailangang Manligaw ni John Lloyd sa Kanya!

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.