Connect with us

Hi, what are you looking for?

local

Hungry Syrian Wanderer, Nanlumo Matapos Matapang na Nakawan ng Isang Lalaki ang Kanyang Restaurant

Kamakailan lang ay ibinahagi ng Youtube vlogger na si Hungry Syrian Wanderer ang nangyari sa kanyang business sa Naga City. Sa kanyang latest vlog, malungkot na ibinahagi ni Basel Manadil na nanakawan ang kanyang restaurant. Naganap ang insidente noong March 12 nang looban ang kanyang restaurant ng isang lalaki na hanggang ngayon ay kinikilala pa rin.

Ayon kay Basel, unang beses lamang itong nangyari sa kanya. Tinangay raw ng suspect ang pera at ilan sa mga importanteng pag-aari sa kanilang restaurant.

Ngunit sa kabutihang palad, walang nasaktan sa mga employees ni Basel. Gayunpaman, nakakapanlumo raw ang pangyayaring ito.

Read Also: Netizen, Napahiya Matapos Tawaging ‘Cougar’ si Cherry Pie Picache Dahil sa Larawang Ito

“Someone broke into our shop and stole I think the cash, stole some things, and then messed around the shop you know. So, it’s terrible news because I never experience anything like that. I know that I experienced something like that and it’s like a trauma. I don’t know what I feel. I feel really bad. I feel bad for our shop, I feel bad for myself, and I feel bad for our employees also.”

Bukod pa dito, nahuli rin sa CCTV ang buong pangyayari. Ngunit mukhang mautak rin ang magnanakaw, dahil mataps pumasok ay itinaas nito ang CCTV camera upang hindi makita ang mukha niya.

Gayunpaman, may mga ebidensya na si Basel at iniimbestigahan na rin ng otoridad ang pangyayaring ito.

Ayon kay Basel, determinado siyang mahuli ang magnanakaw upang mapalagay rin ang loob ng kanyang mga empleyado. Humingi rin siya ng tulong sa mga netizens upang kilalanin ang lalaki na nahagip ng CCTV camera.

Ayon sa vlogger, isa sa mga rason kung bakit nais niya itong mapanagot ay upang hindi na rin ito mangyari sa ibang tao.

“If you happen to know this guy or anything about this incident, kindly let our staff in YOLO Naga branch know about the details as we had to close our shop for today for a few hours due to this incident.”

Read Also: Mga Pulis, Inaresto si Efren Bata Reyes at Kinumpiska pa ang Billiards Equipment Nito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

entertainment

Do you still remember Angelica Jane Yap? She is the “Pastillas Girl” of “It’s Showtime”. Sometimes she cried and giggled for your lunch. View...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.