Connect with us

Hi, what are you looking for?

News trends

Kabit Serye: Jowa na Nagpaalam Lang Magpa-Change Oil, Nahuling May Kasamang Ibang Babae!

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae ay bantay sarado ang boyfriend at asawa nila. Ngunit minsan, kahit gaano ka pa maingat, hindi mo pa rin mapipigilan kung magloloko ang partner mo.

Ang masakit pa dito, sa taong itinuring mo pang kaibigan! Ganito ang naranasan ng isang netizen na ito. Naubusan na ng pasensya si Kathyrine Roman sa kanyang fiance na si Yves Esteban.

Ayon kay Kathryrine, nagpaalam lamang ang fiance niya na magpapa-change oil ito, ngunit nagulat na lamang siya nang may kitain pala itong ibang babae! Labis ang galit ni Kathyrine nang makita niyang kaibigan niya pa pala ang nilalandi nito.

Read Also: “Sasabunutan kita”- Talagang Hindi Inasahan ng mga It’s Showtime Cast ang Ginawang Ito ni Vice Ganda sa Kanila

“Diba Sarah de Leon? Tinatawag mo akong ate habang pa sikreto kang nakikipagkita sa finace ko na tinatawag mong Kuya Yves? Ang bata mo pa. Mali ka ng taong binangga. May kalalagyan ka sakin. And I have more receipts to come kaya brace yourself! Una pa lang yan, sorry ka pagod na ko manahimik.”

Ngunit bago pa man ito, ilang beses na rin daw nagsuspetsa si Kath sa kanyang kaibigan. Dahil nasa abroad si Kath, hindi niya kasama araw araw ang fiance niya. Nagsimula raw siyang magtaka dahil laging kasama ni Yves si Sarah, na ilang taon ring mas bata sa kanila.

Nahuli pa raw ito ng ibang tao na magkasamang nag-iinuman. Ayon kay Kath, matagal na ring tinatago ng dalawa ang relasyon nila. Matapos ibuking ni Kath ang isyung ito, maraming babae rin ang lumapit sa kanya at nag-open up dahil si Sarah di umano ang naging dahilan ng hiwalayan nila ng kanilang mga boyfriend.

Sa kabilang banda, maraming netizens ang talagang nanggigil sa isyung ito. Maraming babae rin ang naka-relate. Ayon naman kay Kath, tuluyan na silang naghiwalay ng kanyang ex at mas masaya siyang na-expose ang ugali nito habang maaga pa lang.

Read Also: Caught on Cam: Traffic Enforcer, Natameme Matapos Sitahin ng Motorista Dahil sa Paglabag sa Batas Trapiko


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

entertainment

Do you still remember Angelica Jane Yap? She is the “Pastillas Girl” of “It’s Showtime”. Sometimes she cried and giggled for your lunch. View...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.