Connect with us

Hi, what are you looking for?

local

Kara David, Aminadong ‘Aksidente’ Lamang ang Pagkaka-Discover sa Kanya Bilang Reporter

Isa si Kara David sa mga pinakabatikang reporters sa media. Ang Kapuso reporter at anchor na ito ay kilala sa kanyang makatotohanan at matapang na pagbabahagi ng mga balita. Ngunit alam niyo ba na hindi rin basta-basta ang simula ng career ni Kara David? Sa isang interview ay ibinahagi ni Kara ang mga pinagdaanan niya dati.

Bago pa siya maging award-winning anchor, dumaan muna sa butas ng karayom si Kara. Ibinahagi niya ang kanyang kwento upang ma-inspire ang ibang kababaihan na kagaya niyang nangangarap.

 

Read Also: Ai-Ai delas Alas, May Resbak sa Basher na Minaliit ang Kursong Tinapos ng Kanyang Anak

Ayon kay Kara, taong 1995 siya nang magsimulang pasukin ang industriya ng media. Nagsimula siya sa pagiging personal assistant at researcher. Ngunit dumating ang big break niya noong nag-cover siya sa paglubog ng MV Kimelody Cristy. Naatasan raw siya na i-cover ang malaking pangyayaring iyon.

Nang pumunta siya sa lugar na pinangyarihan ng insidente, doon rin daw nakilala ni Kara ang iba’t-ibang survivor mula sa trahedya. Na-impress rin daw ang kanyang mga boss dahil sa kanyang report. Simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang pagiging reporter ni Kara.

Ngunit kahit pa naging tuloy tuloy ang tagumpay ni Kara sa kanyang career, aminado siyang hanggang ngayon ay lagi pa rin siyang nakakaramdam ng kaba.


Ginagamit niya raw ito bilang guide upang higitan pa ang kanyang mga nagawa.

“I always have self doubts, hanggang ngayon. It keeps me on my toes. Every story that I make, ‘Maganda kaya yung magagawa naming istorya?’ Tapos hihinga na lang ako ng malalim, ‘Kaya mo yan Kara.’ I get inspiration from the people I interview.”

Sa ngayon ay isang dokumentarista si Kara para sa “I-Witness.” Para sa kanyang katangi-tanging kontribusyon, nagwagi na rin si Kara ng George Fostef Peabody award, isa sa mga pinakamataas na karangalan na matatanggap ng isang journalist.

Read Also: Col. Bosita, May Bwelta kay Nebrija! Hindi Inatrasan ang MMDA Chairman Matapos Siyang Bantaan Nito sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na kwento o viral na balita, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.