Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Kasambahay ni Vice Ganda, Napaiyak sa Takot Matapos ang Nakaka-Nerbyos na Prank na Ito!

Isa si Vice Ganda sa pinakasikat na komedyante at host sa industriya ng showbiz. Ngunit sa kabila ng kanyang nang-ookray at mataray na personalidad sa telebisyon, alam niyo ba na mayroon ring soft side ang Kapamilya host na ito? Sa katunayan, nagpatotoo ang mga kasambahay ng komedyante na talagang mabait itong amo.

Sa kanyang vlogs ay ipinapasilip ni Vice ang personal na buhay niya sa kanyang mga followers. Kasama na rito ang relasyon nila ni Ion Perez, pati na rin ang pakikisama niya sa mga kasambahay niya. Minsan ay aminado si Vice na nagsusungit siya, ngunit sa kabila ng lahat ay mahal na mahal niya ang kanyang mga loyal na kasambahay.

Read Also: “You’ve inspired me”- Vicki Belo, Aminadong Naiyak Siya Dahil sa ‘Pulubi Prank’ ni Ivana!

Kamakailan lang, nagsagawa ng isang prank ang 44-anyos sa kanyang mga house helpers. Kasabwat niya dito si Ion, na talaga namang game na game sa mga pakulo ni Vice. Sa kanyang mga vlogs, madalas ring i-refer ni Vice ang kanyang mga kasambahay bilang ‘Angels.’ Naganap mismo ang prank na ito sa kanilang bahay!

Ayon kay Vice, gusto niyang makita ang magiging reaksyon ng mga ‘Angels’ niya pag nag-away sila ni Ion sa harapan ng mga ito. Kaya naman todo arte si Ion at Vice sa kanilang fake lovers’ quarrel. Nakuhaan rin nila sa hidden camera ang priceless na reaksyon ng kanilang mga kasambahay!

Para mas maging kapani-paniwala ang eksena, sinigurado ni Vice na magiging maganda ang pag-arte nila. Noong una ay nasa hapag-kainan sila nang magsimula ang pagtatalo nila Ion. Dumating sa punto na ipinatawag rin ni Vice sa dining room ang kanilang mga kasambahay. Kita naman sa kamera ang reaksyon nila.

Talagang natakot ang mga ‘Angels,’ at ang iba sa kanila ay nasa iisang sulok na lang. Agad namang nilinaw ni Vice na isang prank lamang ang lahat ng ito. Lalo namang naiyak ang iba nilang kasambahay sa tuwa nang malamang hindi totoo ang pag-aaway ni Vice at Ion!

Read Also: Ellen Adarna, Sinisi ang Sarili Niya sa Hiwalayan Nila ni John Lloyd

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.