Connect with us

Hi, what are you looking for?

local

“Maghanda ka ng abugado mo!”- MMDA Chairman Bong Nebrija, Nagbanta na Kakasuhan si Col. Bosita!

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang opinyon kung sino ba ang tama sa dalawa. Nagsimula ang di pagkakaintindihang ito matapos sitahin ni Col. Bosita ang isang MMDA traffic enforcer, na di umano’y nagbigay ng maling traffic citation sa isang rider.

Noong February 27, hinarang ng dalawang MMDA enforcers ang mag-asawang nakamotor. Sinita ang driver at binigyan ito ng tiket matapos di umanong lumabag sa dress code dahil hindi nakasuot ng sapatos ang backride nito. Dahil sa abalang naidulot nito, hindi nakapasok ang babae sa kanyang trabaho.

Read Also: Kaibigan ni Bea na si Janus del Prado, Nagparinig nga ba kay Gerald Anderson Matapos ang Interview Nito?

Umalma naman sila sa social media at cinontact si Col. Bosita. Maging si Col. Bosita ay hindi sang-ayon sa ginawa ng MMDA enforcers. Binalikan nila ang lugar na pinangyarihan ng panghuhuli, at ipinaliwanag niya kung bakit hindi tama ang ginawang panghuhuli nito.

“Alam ng mag asawa ang ginagawa mo, ang problema pinanindigan mo ‘yung mali, magco-contest sila sa lunes. Ang sweldo nito, 611, pag natapos itong contest nila ‘yung araw na absent siya kapag nag file ng contest at ‘yung araw niya na hinintay nila ‘yung decision siguro tatlong araw, ‘yung danyos dito babawiin namin sa’yo, kung 600 per day, mga 1800, magbabayad ka.”

Mukhang hindi naman nagustuhan ng MMDA chairman ang ginawang ito ni Col. Bosita.

Sa Facebook, nagpahayag si Nebrija ng pagkadismaya sa di umano’y pakikialam na ginawa ni Col. Bosita. Nagbanta rin ito na kung makikialam pa sa proseso ng kanilang mga HPG ay maaari siyang makasuhan.

“Gamitin mo galing mo, huwag ibang tao. Minsan mo pang ulitin yan sa MMDA enforcer namin kahit hindi sa EDSA, maghanda ka na ng abugado mo. But wait, there’s more: Pinag-uusapan na ng MMDA Legal Team anong pwedeng ikaso sa pakikialam mo sa trabaho ng enforcers namin.”

Si Col. Bonifacio Bosita ay ang leader ng Riders’ Safety Advocates of the Philippines. Isa rin siyang dating pulis na nag-retired na sa serbisyo. Sumikat si Col. Bosita sa social media dahil sa pagpapalaganap niya ng impormasyon tungkol sa batas trapiko, lalong-lalo na sa mga pabayang riders at abusadong traffic enforcers.

Read Also: “Kung may maghahamon, tatakbo na lang ako!”- Baron Geisler, Hindi na Daw Basagulero Simula Nang Maging Padre de Pamilya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

entertainment

Do you still remember Angelica Jane Yap? She is the “Pastillas Girl” of “It’s Showtime”. Sometimes she cried and giggled for your lunch. View...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.