Connect with us

Hi, what are you looking for?

viral

Mga Pulis, Inaresto si Efren Bata Reyes at Kinumpiska pa ang Billiards Equipment Nito

Kamakailan lang ay muling naghigpit ang gobyerno sa mga quarantine protocols dahil sa pagtaas ng mga COVID-19 cases sa Pilipinas. Kasama na rito ang mahigpit na pagpapatupad sa mga curfew at iba pang ordinansa. Kamakailan lang, isa sa mga na-aresto dahil sa paglabag sa COVID-19 quarantine protocols ay ang kilalang atleta na si Efren Bata Reyes.

Kasama si Reyes sa ilan pang naaresto sa isang barangay sa San Pedro City, Laguna. Sa isang video na kumakalat sa social media, makikitang inaresto sila ng mga pulis matapos sila maabutang naglalaro ng billiards. Agad namang dinala ang mga manonood at manlalaro, kasama na si Reyes, sa barangay.

Read Also: Pokwang, May Mensahe sa mga Kritiko na Hindi Masaya sa Ipinapatayo Niyang Beach House sa Bataan

Sa video, maririnig na pinapangaralan pa nila ang mga taong nahuling lumabag. “Ganyan pa ang gusto niyong mangyari, hindi kayo nakikinig sa barangay,” sambit ng isang pulis. Bukod sa pag-aresto sa mga tao, kinumpiska rin nila ang billiards equipment ni Reyes. Ayon sa Philstar, wala namang kaso ang isinampa laban kay Reyes.

Ang 66-anyos na si Reyes ay kinilala sa kanyang angking galing sa paglalaro billiards. Sa kanyang ilang dekadang career, ilang beses na rin siyang nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas mula sa mga international billiards tournament.

Sa katunayan, noong 2019 lamang ay nagwagi siya ng bronze medal sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Pilipinas.

Ikinumpara rin ito ng mga netizens sa ginawang paglabag ng mga high-ranking officials sa quarantine protocols. Sa kasagsagan ng COVID-19 quarantine noong nakaraang taon, matatandaang naging usap-usapan ang idinaos na birthday party ni Philippine National Police Chief Debold Sinas.

Sa mga kumalat na larawan, kitang-kita na walang suot na masks at wala ring social distancing ang mga bisita.

Agad itong nag-viral sa social media, at maraming netizens ang nagaliut sa di umanong special treatment na natatanggap ng mga politicians. Itinanggi naman ni Sinas ang nasabing event, at iginiit na matagal na ang mga larawang kumakalat. Wala ring pormal na imbestigasyon sa pangyayaring ito.

Read Also: Kara David, Aminadong ‘Aksidente’ Lamang ang Pagkaka-Discover sa Kanya Bilang Reporter

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.