Connect with us

Hi, what are you looking for?

local

Netizen, Nagbabala sa bagong Mudos ng mga Scammer na Nagpanggap na Delivery Rider

Sa panahon ngayon, usong-uso na ang online shopping. Bukod sa mas mura, di hamak na mas madali ang pag-order online dahil idedeliver ito mismo sa bahay mo. Ngunit kalakip ng convenience na hatid nito, kailangan ay maging maingat pa rin tayo sa online shopping. Bilang customers, dapat ay maging mapanuri tayo upang hindi tayo mabiktima ng mga scammers.

Maraming scammers ngayon ang nag-iisip ng iba’t-ibang modus upang makapanlamang sa ibang tao. Kagaya nito ang isang laganap na scam ngayon, kung saan magpapanggap ang mga scammer na isang delivery rider. Mag-iikot sila sa mga bahay-bahay at magpapanggap na magde-deliver ng mga parcels.

Read Also: Netizen, Napahiya Matapos Tawaging ‘Cougar’ si Cherry Pie Picache Dahil sa Larawang Ito

Isa sa mga muntik na nilang mabiktima ay ang netizen na ito. Mabuti na lamang at alerto siyang mag-isip. Ibinahagi rin ng netizen ang kanyang karanasan sa ibang tao sa social media upang maging handa sila laban sa mga kumakalat na bagong modus na ito.

Ayon sa netizen, 2:30 ng hapon nang dumaan ang isang lalaki na may dalang parcel sa bahay nila. Kapansin-pansin na nakatakip ang mukha nito. Iginiit ng lalaki na mayroong delivery at P3,499 ang babayaran. Ngunit kapansin-pansin na walang sticker o waybill ang dala nitong parcel.

“My heart was racing by then kasi Im familiar with the modus but im slightly uneasy na baka yung scammer my phd sa pagiging actual holdaper din kaya ayokong i hand over pabalik yung parcel. A seconds after he left sinundan namin sya. Wala syang motor or anything din. Then may sumundo sa kanyang rider sa malayo which parang nakakatunog na sinundan sila kasi lingon na ng lingon.”

Bago pa man makalayo ang lalaki, nakuhaan ito ng picture ng netizen. Sinundan rin nila ito, hanggang sa makita na mayroon pala itong isang lalaking kasama na nagmamaneho ng motor.

Binalaan rin ng netizen ang iba pang tao na maging mapanuri sa mga parcel na tinatanggap nila, lalo na’t kung kasuspe-suspetya ito.

Read Also: Mga Pulis, Inaresto si Efren Bata Reyes at Kinumpiska pa ang Billiards Equipment Nito

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.