Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Netizen, Napahiya Matapos Tawaging ‘Cougar’ si Cherry Pie Picache Dahil sa Larawang Ito

Dahil papalapit na ang summer, painit ng painit na rin ang panahon sa Pilipinas. Kaya naman ang mga tao ay nag-aabang na rin na makapunta sa beach. Kabilang na sa kanila ang beteranang aktres na si Cherry Pie Picache. Kamakailan lang ay ibinahagi ng Kapamilya star ang kanyang nakaka-refresh na beach vacation sa social media.

Bilang artista, laging hectic ang schedule ni Cherry Pie. Kaya naman paminsan-minsan ay kailangan rin nito ng break mula sa kanyang stressful na trabaho.

Nitong nakaraang buwan lamang ay namataan si Cherry Pie na naka-vacation mode sa beach kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Read Also: Mga Pulis, Inaresto si Efren Bata Reyes at Kinumpiska pa ang Billiards Equipment Nito

Sa Instagram, kitang-kita na enjoy si Cherry Pie sa kanyang refreshing break. Talagang importante rin naman ang magkaroon ng bakasyon paminsan-minsan, upang makahinga ng maayos. Of course, hindi rin makukumpleto ang bakasyon kung ikaw lamang mag-isa. Kaya naman sinama rin ng actress ang kanyang loved ones.

Isa na doon ang kanyang binatang anak na si Antonio Tria, na bukod sa pagiging competitive tennis player ay isa ring Star Magic artist. Nagbahagi si Cherry Pie ng selfie nilang dalawa sa kanilang beach outfits, at sinabing enjoy na enjoy sila sa munting vacation time nila.

Ngunit may isang netizen naman ang tila nagbigay ng malisya sa post ni Cherry Pie. Nag-komento ito sa larawan at sinabing isang ‘cougar’ daw ang aktres.

Ang cougar ay madalas na ilarawan sa mga matandang babae na mayroong mas batang partner. Gayunpaman, mukhang hindi naman na-offend dito si Cherry Pie.

Kahit pa napagkamalang lover niya ang kanyang anak, mas pinili ng aktres na maging positibo at wag suklian ang negative comment na ito. Sa halip ay nilinaw ni Cherry Pie na anak nya ang kasama niya, “He is my son and the only man in my life.”

Sa huli ay naging apologetic naman ang netizen dahil sa wrong judgment nito. Humingi rin ito ng tawad dahil sa kanyang misinterpretation. “I am very sorry for my wrong interpretation. Sorry again. May God continue to bless you both with endless love and togetherness.”

Read Also: Video ng Pari na ‘Barubal’ sa Pagbibinyag sa Isang Baby, Usap-Usapan Ngayon Online!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.