Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Pokwang, May Mensahe sa mga Kritiko na Hindi Masaya sa Ipinapatayo Niyang Beach House sa Bataan

Excited na ang Kapamilya star na si Pokwang na matapos ang kanyang dream home! Matapos ang ilang taong paghihintay, sa wakas ay malapit nang matapos ang construction ng beach house ni Pokwang sa Camaya Coast, Bataan. Ayon sa komedyante, ito ay magsisilbing summer home nilang magpapamilya. Nasa tabi lamang ito ng dagat, at tanaw na tanaw ang magandang view ng paligid!

Ngunit mukhang kahit ano pa ang gawin mo, talagang hindi mawawala ang mga tao na pupuna sayo. Imbes na maging masaya na lamang sila sa achievements ni Pokwang, may mga critics na mas piniling mag-spread ng negativity tungkol sa komedyante. Ayon pa sa iba, bakit daw nagbabakasyon si Pokwang sa kalagitnaan ng pandemic.

Read also: Julia Barretto, May Nakakakilig na Birthday Surprise kay Gerald sa Ika-31 na Kaarawan Nito!

Kaya naman hindi na nakapagtimpi ang Kapamilya comedian at nagsalita sa social media. Sa Twitter, nanawagan si Pokwang sa kanyang mga bashers na maging ‘sensitive’ sa panahon ngayon. Ayon kay Pokwang, matagal na rin niyang pinagplanuhan ang construction ng kanyang dream home.

“Medyo laliman niyo pa panira sakin ng konti! Bwahahahaa yung bahay na sinasabi niyong pinapatayo ko ngayon ay dapat matagal ng tapos yan, 2018 dapat eh nabuntis ako at nag pandemya naman kaya na stop! Woohoo babaw niyo! Pera niyo ba ginamit ko? Pinagpaguran ko yon. Excuse me!”

Sa kabilang banda, maraming fans naman ang dumepensa kay Pokwang sa social media.

Ayon pa sa iba, mukhang inggit lamang ang mga bashers dahil namamayagpag pa rin si Pokwang sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan nito, kabilang na ang pagsasara ng kanyang home network.

Silipin ang kanilang mga komento dito:

“Mamang di mo need explain ang sarili mo sa mga inggiterang chaka. tuloy lang gawin ang dapat at makakapagpasaya sayo.”

“Wag patulan mamang! just ignore those haters mga negative at badvibes mga yan!”

“Never explain yourself to people who have the littlest minds. They won’t understand. You are blessed because you deserve it. Let them die in envy.”

Read Also: “Maghanda ka ng abugado mo!”- MMDA Chairman Bong Nebrija, Nagbanta na Kakasuhan si Col. Bosita!

Anong masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.