Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Rudy Baldwin, Nahulaan Nga Ba ang Nakakakilabot na Pagpanaw ng Singer na si Claire dela Fuente?

Maraming pangyayari na ang di umano’y nahulaan ng sikat na psychic na si Rudy Baldwin. Sa social media, kilala si Rudy Baldwin sa kanyang mga nakakakilabot na hula na di umano’y nagkakatotoo! Kabilang na sa mga malalaking pangyayari na naunang ma-predict ni Baldwin ay ang pagputok ng bulkang Taal noong 2020, mga sakuna gaya ng bagyo, lindol, at marami pang iba.

Bukod dito, madalas ring magbahagi si Baldwin ng kanyang nakakakilabot na pangitain sa Facebook. Kabilang na dito ang mga ‘visions’ niya ng mga sikat na personalidad na di umano’y papanaw. Kamakailan lang, maraming fans na naman ng psychic ang kinilabutan dahil sa hula nito na nagkatotoo.

Read Also: Kasambahay ni Vice Ganda, Napaiyak sa Takot Matapos ang Nakaka-Nerbyos na Prank na Ito!

March 30 nang mapabalita ang biglaang pagpanaw ng beteranang singer na si Claire dela Fuente. Ibinalita ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe sa Twitter ang pagpanaw ng kilalang OPM icon sa edad na 62 anyos. Ayon sa mga malapit na kamag-anak ng beteranang singer, pumanaw ito dahil sa cardiac arrest.

Maraming netizens naman ang agad na nag-react sa nakakalungkot na balitang ito. Marami rin ang nag-comment at nag-link sa pangyayaring ito sa nakaraang hula ni Rudy Baldwin. Kamakailan lang ay mayroong binanggit na sikat na singer si Baldwin na di umano’y mamamaalam na ngayong taon.

“Isang artistang babae din ito, magaling siya sa larangan ng musika at siya ay gumanap din sa pelikula at pag host. Lahat tayo ay mawawala sa mundo lahat ng bagay ay may hangganan. Ang mahalaga ay pahalagahan natin ang bawat oras ng buhay natin at magpasalamat sa Diyos sa bawat araw ng buhay natin.”

Sa kabilang banda, ayon naman sa kampo ng beteranang singer ay marami na ring iniindang karamdaman si Claire. Kabilang na dito ang hypertension at heart complications. Kung kaya’t kahit pa nakakabigla ang kanyang pagpanaw, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit cardiac arrest ang sanhi ng kanyang pamamaalam.

Read Also: “You’ve inspired me”- Vicki Belo, Aminadong Naiyak Siya Dahil sa ‘Pulubi Prank’ ni Ivana!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.