Connect with us

Hi, what are you looking for?

News

Sosyal na Akyat Bahay, Nakatulog sa Bahay na Nilooban, Nagbukas pa ng Aircon!

Sa panahon ngayon, maraming tao ang kumakapit sa patalim para lamang magkapera, kaya naman laganap na rin ang krimen gaya na lamang ng pag aakyat-bahay. Ngunit mukhang nakakapagod rin ang paggawa ng krimen ito, dahil isang magnanakaw ang mismong nakatulog sa bahay ng nilooban niya dahil sa sobrang pagod!

Ito ang bumungad sa mga homeowner na ito sa Thailand. Usap-usapan ngayon ang magnanakaw na ito sa Thailand na nahuling nakatulog sa bahay na nilooban niya. Ayon sa World of Buzz, dahil sa sobrang pagod at antok ay natulog muna ang magnanakaw sa loob ng kwarto.

Read Also: Rudy Baldwin, Nahulaan Nga Ba ang Nakakakilabot na Pagpanaw ng Singer na si Claire dela Fuente?

Hindi naman niya inaakalang nasa loob pala ang may-ari ng bahay, kaya’t nahiga pa ito sa kama! Bukod pa diyan, binuksan pa ng magnanakaw ang aircon para komportable siya sa kanyang pagtulog.

Mahimbing ang tulog at talaga namang at-home ang magnanakaw nang madatnan siya ng may-ari ng bahay. Ayon sa mga reports, ang may-ari ng bahay na nilooban ng 22-anyos na akyat-bahay ay isa pa lang police officer!

Nagtaka raw ang pulis dahil nakabukas ang air condition sa kwarto ng kanyang anak, gayong wala naman ito sa bahay. Kaya sinilip niya kung mayroon bang tao, at laking gulat niya nang makita ang magnanakaw na nakatulog!

Nang madatnan niya ang magnanakaw na nakatulog sa kama ng anak niyang babae, pinicturan muna ito ng pulis. Matapos picturan, sinigawan ng pulis ang magnanakaw, na agad namang nagising dahil sa ingay.

Sa mga larawan na kumakalat ngayon sa social media, makikitang talagang hindi inaasahan ng magnanakaw na mahuhuli siya! Mukhang naiinis pa ito dahil naistorbo ang kanyang tulog.

Agad namang tumawag ng iba pang back-up police officers ang may-ari ng bahay. Inaresto nila at idinetain ang magnanakaw, na humaharap na ngayon ng patong-patong na kaso sa burglary at trespassing.

Read Also: Kasambahay ni Vice Ganda, Napaiyak sa Takot Matapos ang Nakaka-Nerbyos na Prank na Ito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.