Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

“Bat ako magbabayad?”- Melai, Ibinunyag Kung Bakit Hindi Siya Pumapayag Sagutin ang Tuition Fee ng Kamag-anak

Sa ating kultura bilang Pinoy, uso ang pagkakaroon ng breadwinner sa pamilya. Kung sino ang nakakaangat na miyembro, siya rin ang nagtataguyod sa kanyang mga kamag-anak. Ngunit hindi naman naniniwala ang “Magandang Buhay” host na si Melai Cantiveros sa tradisyong ito. Sa kanyang nakaraang interview, nag-open up si Melai tungkol sa kanyang rule.

Ayon kay Melai, dati ay sinubukan ng kanyang mga kamag-anak na humingi sa kanya ng tuition fee para sa mga anak nila. At kahit pa nakakaluwag si Melai at asawa nitong si Jason Francisco sa buhay, tumanggi siyang magbigay ng tuition fee dahil naniniwala siyang responsibilidad ito ng mga magulang.

Read More: Naaalala Niyo pa ba ang EB Host na si Julia Clarete? Silipin ang Buhay Niya Matapos Iwanan ang Showbiz!

“Kunwari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, sasabihin ko ‘Bat ako magbabayad ng tuition fee ng anak mo, eh anak mo yan.’ Kami, bata pa lang kami, tinuruan na kami na huwag umasa. Dapat kayo maging breadwinner. Lahat kayo breadwinners ng family.”

Naniniwala si Melai na hindi dapat umasa ang ibang kamag-anak sa pagpapa-aral sa kanilang mga anak. Para sa “Magandang buhay” host, kailangan ring matuto ng ibang tao na kumayod para sa kanilang pamilya.

Ayon kay Melai, bata pa lamang siya ay ito na ang ipinamulat sa kanila ng kanilang magulang.

Ngunit sa kabila ng striktong rule na ito ni Melai, aminado siyang galante naman siya pagdating sa ibang bagay. Sa katunayan, tuwing uuwi siya ng probinsya ay lagi niyang sinisigurado na mayroon silang mga family outing. Ayon kay Melai, talagang ready siyang gumastos at manlibre tuwing may reunion sila.

“Kapag umuwi ako ng Gen San sa December, i-prepare niyo na ang bag niyo kasi hindi na kayo makaka-stay sa bahay niyo. Kasi pupunta kami ng Davao, pupunta kami ng Bohol. Ako lahat yan. Kaya kapag responsibilidad mo, responsibilidad mo yan. Kasi pinasok mo yan. Hindi pwedeng ako yan,” dagdag pa nito.

Read Also: PBA Player Jio Jalalon, Binuking ng Sariling Misis Niya sa Kababalaghang Ginagawa Nito sa Video Call

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

entertainment

Do you still remember Angelica Jane Yap? She is the “Pastillas Girl” of “It’s Showtime”. Sometimes she cried and giggled for your lunch. View...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.