Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Billy, Ibinahagi ang Nakakaaliw na Reaksyon ni Baby Amari Habang Kumakain ng Pakwan!

Para sa maraming mag-asawa, hindi makukumpleto ang kanilang pagsasama kung wala silang anak. Kaya naman marami ang nangangarap na mabiyayaan ng anak na kanilang mamahalin at gagabayan habangbuhay. Dahil dito, kapag nabiyayaan na sila ng anak, ibinubuhos ng mag-partner ang kanilang oras, effort, at pagmamahal upang palakihin ng maayos ang kanilang baby.

September noong nakaraang taon nang i-welcome ng celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford si Baby Amari.

Nagpapasalamat ang mag-asawa dahil healthy ang kanilang baby boy. Aminado ang celebrity couple na kinakabahan sila sa pagiging first-time parents. Sa kabila ng lahat, excited na rin silang simulan ang bagong chapter ng buhay nila bilang mag-asawa.

Read More: “Seaman naman asawa mo”- Demanding na Nanay, Pilit na Humihingi ng P6k sa Ninang Para sa Binyag ng Anak Niya

Talagang napakabilis nga ng panahon! Parang kailan lamang ay isang maliit na sanggol lamang si Amari, at ngayon naman ay 7 months old na siya. Kahit pa busy si Coleen at Billy sa kanilang career, hands-on pa rin sila sa pag-aalaga sa kanilang unico hijo. Sa katunayan, madalas ibinabahagi ng couple sa social media ang bonding moments nila ni Amari.

Tuwang-tuwa rin si Billy at Coleen sa mga little milestones ni Baby Amari. Dahil lagi nila itong natuturuan, unti-unti na ring natututo si Baby Amari, tulad na lamang sa pagkain nito. Kamakailan lang, ibinahagi ni Billy sa social media ang cute na video ni Baby Amari habang kumakain ito ng pakwan.

Makikitang enjoy na enjoy si Baby Amari sa kanyang meryenda time. Si Billy naman ay natutuwa sa reaksyon ng kanyang anak. Ngunit hindi nagtagal ay nagsawa na ito. Tuwing hahawakan niya ang pakwan, pinipisil na lamang niya ito at tinatapon dahil mukhang hindi niya ito nagustuhan.

Maraming netizens naman ang talagang natuwa sa video na ito ni Baby Amari. Ayon pa sa iba, kahit sanggol pa lamang ay nagde-develop na rin ito ng kanyang unique personality. Silipin ang mga komento nila dito:

“Sooo cute. At an early age may particular na sya ng ayaw niya with matching ngiwi pa, na lalong nagpacute sa kanya.”

“Hahaha ayaw niya talaga, wag na daw pong ipilit Daddy Billy.”

“Such a cutie! If he could speak, he would say can I have some broccoli instead.”

Read Also: Maja, Tinesting Kung Sino ang mga Totoong Kaibigan Niya Matapos Utangan ang mga Ito!

Ano ang masasabi nyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong komento o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang viral na kwento o latest na balita, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.