Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

“Girlfriend niya po ako”- Arabella del Rosario, Ibinuking na ang Relasyon Nila ni Jimuel Pacquiao!

Mukhang taon talaga ng jowa reveal ang 2021! Maraming mga celebrities ang ipinapakilala na ang kanilang love interest sa publiko. At kamakailan lang, nakumpirma na rin kung sino ang bagong girlfriend ng anak ni Senator Manny Pacquiao na si Jimuel! Matatandaang 2020 pa lamang ay nali-link na si Jimuel sa isang Star Magic Artist.

Umugong ang bali-balitang may girlfriend si Jimuel matapos itong magbahagi ng romantic photos sa Twitter. Kinilala ang bagong love interest nito na si Arabella del Rosario. Sa kanyang nakaraang interview sa Philippine Ultimate Showbiz Hub, tuluyan na ngang inamin ni Arabella ang totoong score nila ni Jimuel Pacquiao!

Read More: Vicki Belo, Ibinunyag Kung Paano Pinatawad si Hayden sa Kabila ng Kontrobersyal na Video Nito Dati!

“Girlfriend niya po ako. Hindi po kami nag-meet through Star Magic. He got to Star Magic already without us knowing each other yet. Late pa po kami nagkakilala. Okey naman po kasi si Jimuel is very, very humble. He doesn’t think of that way talaga po, na high-profile siya kasi anak siya ng boxing champion,” ayon kay Arabella.

Nilinaw rin ng Star Magic artist na talagang napaka-humble ng kanyang boyfriend. Kahit pa low-profile lamang daw ito, hindi ito tumatanggi kapag may mga fans na nais magpa-autograph o magpa-picture. Ayon kay Arabella, talagang namana ni Jimuel ang humility ng kanyang ama.

“Wala akong masabi talaga, promise po. He does not think of it at all. Para lang siyang normal na individual. Of course, meron pong mga nagpapa-picture, and autograph, pero he doesn’t mind naman po and I don’t mind as well. It’s okey, I understand po, it’s not really a big deal, okey lang po, it’s not really hard naman po.”

Matatandaang naging girlfriend rin ni Jimuel ang Star Magic artist na si Heaven Peralejo. Ngunit hindi rin nagtagal ang relasyon nila. Ayon kay Heaven, maayos naman ang break-up nila ni Jimuel at nananatili silang magkaibigan.

Read More: “Game Over”- Ellen Adarna at Derek Ramsay, Engaged na Matapos ang Dalawang Buwan!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.