Connect with us

Hi, what are you looking for?

viral

Goodbye Jamill na nga ba? Jayzam, Huli sa Akto na May Kahalikang Ibang Babae!

Kakapasok lamang ng taong 2020, ngunit maraming sikat na couples na ang naghiwalay. Marami rin ang dumaan sa matinding pagsubok, kung saan maging ang mga isyu nila ay nag viral sa social media. Kabilang na dito ang social media influencers couple Jamill. Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang di umano’y pangloloko ni Jayzam Manabat sa kanyang girlfriend na si Camille Trinidad.

Isang netizen na nagngangalang Maria Angelica Diaz ang nag-open up tungkol sa di umano’y namagitan sa kanila ni Jayzam. Sa kanyang Facebook post, ibinulgar ni Angelica na October 2020 noong makipaghalikan sa kanya si Jayzam sa loob ng CR ng condo unit ng pinsan nito.

Read Also: Col. Bosita, May Bwelta kay Nebrija! Hindi Inatrasan ang MMDA Chairman Matapos Siyang Bantaan Nito sa Social Media

Ayon pay kay Angelica, sinubukan niya ring i-message si Camille at ipaalam dito ang buong pangyayari. Ngunit imbes na pakinggan siya, nagawa pang magalit ng Youtube star at sinabihan rin si Angelica ng hindi kaaya-ayang mensahe. Dahil dito, napilitan si Angelica na i-post ang buong pangyayari sa social media.

Agad naman itong idineny ni Jayzam. Sa Instagram, nagpahayag ang Youtube star na kasalukuyan na nilang hinahagilap ang CCTV footage na magpapatunay na walang naganap noong gabing iyon.

Sa kabilang banda, sa isa pang Facebook post ay inamin naman ni Jayzam na mayroon rin siyang pagkukulang sa kanyang girlfriend.

“Wala na akong ibang sasabihin pa, kasi siya naman nagsisira sa sarili niya. Ginagawa niyang tanga yung tao, akala niya siguro di marunong mag isip at mag analyze yung netizens. Hindi ako nandito para mag malinis o kung ano man. Napag-usapan na din namin ni Camille ang lahat. Humihingi ako ng CCTV copy, pag nakuha natin to, tapos ang usapan.”

Maging si Camille ay nag-react din sa isyung ito. Sa isang mahabang rant sa Facebook, sinisi ng vlogger ang pinsan ni Jayzam na di umano’y nagsisilbing bad influence dito. Ayon pa kay Camille, dapat noong una pa lang ay hindi na pinatulan ni Angelica ang boyfriend niya, bagay na kinainisan naman ng mga netizens.

“Una yung sakit na dadalhin ng tao, yung sakit na hindi madaling kalimutan. Oo walang perpekto alam natin yan. Pero mahal ko yung tao at hindi ko sasayangin yung kung anong binuo namin simula umpisa. God knows nag papasalamat ako kasi lumabas din lahat,” pahayag ni Camille.

Read More: “Bat ako magbabayad?”- Melai, Ibinunyag Kung Bakit Hindi Siya Pumapayag Sagutin ang Tuition Fee ng Kamag-anak

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.