Connect with us

Hi, what are you looking for?

local

Groom na Naghahatid Lamang ng Invitations Para sa Nalalapit na Kasal, Binawian ng Buhay!

Tayong mga Pilipino ay maraming pinaniniwalaang pamahiin. Kapag nalalapit na ang kasal, pinagbabawalan ng mga matatanda na lumabas ang groom at bride dahil sa paniniwalang lapitin daw sila ng aksidente. Kamakailan lang, nauwi sa trahedya ang dapat masayang kasalan na ito dahil sa isang malagim na aksidente na hindi inaasahan ng lahat.

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakakalungkot na sinapit ng isang lalaking ito mula sa Davao City. Ilang araw na lamang bago ang kanyang nalalapit na kasal, ngunit hindi inaasahan ng lahat na may kakaharapin pala itong trahedya. Hindi na inabutan pa ng biktimang si Jonex Alberto Balano ang kanyang kasal matapos itong bawian ng buhay.

Read More: “Game Over”- Ellen Adarna at Derek Ramsay, Engaged na Matapos ang Dalawang Buwan!

Ayon sa mga reports, naghahatid ng invitations si Alberto para sa kasal nila ng kasintahan na si Melejie Hermoso. April 7 sana gaganapin ang kanilang pag-iisang dibdib, ngunit hindi na ito mangyayari matapos masagasaan ng truck ang lalaki habang nakasakay sa motorsiklo.

Nagulungan ng trak ang lalaki, na agad namang ikinasawi nito. Idineklara itong dead-on-arrival nang dumating ang mga otoridad.

Sa kabilang banda, nakaligtas naman ang fiance ni Alberto na si Melejie. Sa mga larawang kumakalat sa social media, makikita ang lugar kung saan naganap ang insidente.

Labis naman ang hinagpis ni Melejie sa trahedyang sinapit ng kanyang kasintahan. Maging ang mga netizens ay hindi mapigilang mapaiyak dahil sa nakakalungkot na pangyayaring ito. Silipin ang mga komento nila dito:

“Nakakaiyak nakakaawa sila pareho. nakakadurog ng puso.”

“Subrang sakit Yan…but we need to trust God more.”

“Totoo nga Yung Kasabihan kpag nga daw malapitna ikasal Hindi pwede maglalabas.lapitin SA disgrasya.”

“Pamahiin bawal ang magbyahe o aalis ang ikakasal kapag malapit na silang ikasal.”

Read Also: Kasambahay ni Vice Ganda, Napaiyak sa Takot Matapos ang Nakaka-Nerbyos na Prank na Ito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

entertainment

Do you still remember Angelica Jane Yap? She is the “Pastillas Girl” of “It’s Showtime”. Sometimes she cried and giggled for your lunch. View...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.