Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

KC Concepcion, Pinasalamatan ang Inang si Sharon Dahil sa Magandang Relasyon Niya sa Kanyang mga Half-Siblings

Hindi naging madali ang childhood ng aktres at singer na si KC Concepcion. Kahit pa only child lamang si KC ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, blessed naman ang aktres dahil marami siyang kapatid.

Sa Instagram, nag-dedicate ang aktres ng isang taos-pusong message para sa kanyang mga half-siblings, na talaga namang mahal na mahal niya. Ngunit sa kabila ng paghihiwalay ni Gabby at Sharon noong 1987, nagawa nilang palakihin ng maayos ang kanilang anak.

Ayon kay KC, kahit pa nagkaroon na ng kanya-kanyang pamilya ang kanyang mommy at daddy, natutunan na rin niyang mag-adjust sa kanilang ‘blended’ family. Grateful din daw ang aktres dahil sa kanyang mga mapagmahal na kapatid.

Read More: “Wala akong pang-abono”- Rider, Napaiyak na Lang Matapos Mabiktima ng Fake Booking Mula sa Scammer!

“For those of you who don’t know, my parents married in their teens and unfortunately separated when I was a toddler. Today they have their own families, who are also my own. I keep close to my siblings, or at least I do my part to, and tbh giving importance and nurturing relationships between both my families can be tough-always a balancing act,” pahayag ni KC.

Sa katunayan, mas lalo siyang napalapit sa kanyang mga siblings. Hindi raw ito madali, lalo pa’t dalawang sides ang kailangang pakisamahan ni KC.

Sa kabila ng lahat, kinakaya niya raw ang ‘balancing act’ na ito para masiguradong mayroon siyang maayos na pakikisama sa kanyang mga kapatid.

“I love them all and my life wouldn’t be complete without them! People who have never been in my situation could probably never relate. Will I even have more mental space or energy to make my own one day? Lol love my unconventional blended family. Who can relate?”

Ayon pa kay KC, malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang inang si Sharon, dahil ito raw ang nag-eencourage sa kanya na makipag-close sa kanyang mga kapatid.

Sa kabilang banda, nakatanggap naman ng maraming reaksyon ang post na ito ni KC. Maraming netizens rin ang talagang bumilib kay KC dahil sa pagiging responsable at mapagmahal na ate nito sa kanyang mga kapatid.

Read More: Sachzna Laparan, Ibinahagi ang Matinding Karamdaman Niya na Matagal Itinago sa mga Fans

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

entertainment

Do you still remember Angelica Jane Yap? She is the “Pastillas Girl” of “It’s Showtime”. Sometimes she cried and giggled for your lunch. View...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.