Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Maja, Tinesting Kung Sino ang mga Totoong Kaibigan Niya Matapos Utangan ang mga Ito!

Ika nga ng kasabihan, makikilala mo ang tunay na kaibigan mo sa oras ng kagipitan. Dito mo rin makikita kung sino ang talagang maghahanap ng paraan upang matulungan ka. Talaga nga namang nakaka-touch malaman na mayroon kang totoong kaibigan na dadamayan ka sa oras ng problema. Kamakailan lang, tinesting ni Maja Salvador ang kanyang mga showbiz friends.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Maja sa kanyang Youtube channel ang latest prank niya. Isa raw ito sa mga pinaka most requested videos sa kanyang channel.

Sa vlog niyang ito, prinank ni Maja ang kanyang mga close friends sa showbiz. Nagpanggap si Maja na may malaking problema siya at uutangan niya ang mga ito.

Read More: Pulis na Nakisali sa April Fool’s Prank, Sinibak sa Serbisyo at May Haharapin Pang Kaso!

Ilan lamang sa mga tinawagan ni Maja ay sina Thou Reyes, Jake Ejercito, Aiko Melendez, Rayver Cruz, Enchong Dee, Joshua Garcia, Alex Gonzaga, John Lloyd Cruz, at marami pang iba. Iba-iba naman ang naging reaksyon nila sa prank ni Maja! Mayroong hindi makapaniwala, samantalang ang iba naman ay nabuking siya agad.

Tinawagan sila ni Maja isa-isa upang ipaalam na ikakasal na siya. Sa iba, nagpanggap naman ito na kailangan niyang mangutang.

Kabilang sa mga kunwaring uutangan ng aktres ay ang long-time friends niya na sina Jake Ejercito at Thou Reyes, na agad namang pumayag! Walang alinlangan ang dalawa, kaya naman nagulat sila nang sabihin ni Maja na prank lamang ito.

Sa kabilang banda, agad namang nabuking ni Aiko Melendez na prank lamang ito. Ayon kay Maja, talagang kilalang-kilala siya ng kanyang co-star, kaya’t alam nito agad na may pakulo siya.

Nang tawagan niya si Joshua at Enchong, agad namang pumayag ang mga ito na umattend sa kasal niya, ngunit bigla na lamang nadismaya ang mga ito matapos malaman na prank lamang pala ang lahat.

Sa ngayon ay umabot na ng mahigit 1.2 million views ang prank video na ito ni Maja. Maraming netizens rin ang talagang natuwa dahil lumabas dito ang tunay na kabaitan ng mga showbiz friends ni Maja.

Read More: “Na-discriminate ako”- Kyline Alcantara, Ipinahiya sa Set Dati Dahil sa Pagiging Probinsyana Niya

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.