Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Markki Stroem, May Sagot sa mga Bashers na Inuudyok Siyang ‘Magladlad’ sa Social Media

Bilang celebrity, hindi maiiwasang magkaroon ng mga kritiko sa social media. Ngunit ang masaklap rito, maraming netizens ang pine-personal ang ibang artista upang ma-trigger ang mga ito. Kamakailan lang, nagsalita na rin tungkol sa bullying ang Filipino-Norwegian actor and model na si Markki Stroem. Naghayag ito ng saloobin tungkol sa mga netizens na kinu-kwestiyon ang kanyang pagkatao.

Sa Twitter, sinagot naman ng aktor ang isang babaeng netizen na nag-udyok sa kanya na ‘magladlad’ na. Hindi pinatulan ni Markki ang komento nito, ngunit inudyok niya ang netizen na i-‘enlighten’ siya sa pananw niya. Ayon pa kay Markki, sana raw ay dumating ang panahon na wala ng prejudice laban sa mga miyembro ng gay community.

Read Also: Kasambahay ni Vice Ganda, Napaiyak sa Takot Matapos ang Nakaka-Nerbyos na Prank na Ito!

“Can you tell me how this make a person worse? Just inquiring. Is sexuality still a prejudice in this day and age? Why does homophobia stem from mostly women and other gay men? Please enlighten me. I want to know how long it will take before we can all treat each other equally.”

May isang netizen pa ang nag marunong at nagsabing ‘alam’ na ng publiko ang tinatago ni Markki. Ayon pa dito, confirmation na lang daw ng aktor ang hinihintay ng publiko. “Alam naman ng lahat about sayo. Confirmation nalang talaga ang hinihintay ng mga tao,” sabi pa ng basher, ngunit hindi naman ito inatrasan ni Markki.

Ayon sa aktor, hindi siya magpapatinag sa bullying ng mga netizens. Nanawagan rin si Markki na sana’y respetuhin ng mga tao ang kanyang personal na buhay. Nagbigay rin ito ng payo sa mga katulad niyang dumaranas ng labis na bullying sa social media. Ayon kay Markki, wag mong hahayaang husgahan ka ng ibang tao.

“There is a word called RESPECT. No one deserves an explanation about anything in our lives! Do not allow anyone to tell you what to do and not to do. I will not stand by this bullying,” pahayag ni Markki, na isa ring dating contestant ng “Pilipinas Got Talent,” sa Twitter.

Read Also: “You’ve inspired me”- Vicki Belo, Aminadong Naiyak Siya Dahil sa ‘Pulubi Prank’ ni Ivana!


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.