Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

“Na-discriminate ako”- Kyline Alcantara, Ipinahiya sa Set Dati Dahil sa Pagiging Probinsyana Niya

Isa si Kyline Alcantara sa mga pinaka-promising na aktres ngayon sa Kapuso network. Bukod sa kanyang angking ganda, hindi rin maipagkakaila ang talento ni Kyline sa pag-arte. Dahil dito, hindi na rin nakakapagtaka kung bakit blessed ang young star ng maraming proyekto. Bumida na rin siya sa mga sikat na soap opera at pelikula.

Ngunit alam niyo ba na bago siya sumikat, maraming hamon ring pinagdaanan si Kyline Alcantara? Bago niya makamit ang tagumpay at kasikatang tinatamasa niya ngayon, kinailangan niya ring dumaan sa butas ng karayom. Sa tulong ng kanyang supportive na ina, kung ano-anong auditions rin ang sinalihan ni Kyline.

Read More: “Wala akong pang-abono”- Rider, Napaiyak na Lang Matapos Mabiktima ng Fake Booking Mula sa Scammer!

May isang pagkakataon rin daw na ipinahiya siya ng isang batikang direktor dahil sa kanyang accent. Noong mga panahong iyon, extra lamang si Kyline sa set.

Ipinahiya daw siya ng direktor dahil sa kanyang probinsyana accent. Hanggang ngayon ay tumatak sa kanya ang experience na ito.

“Napagalitan ako at na-discriminate ako. Yeah, na-discriminate ako. Sabi sa akin ng director, ‘Talent ka lang. Diyan ka lang.’ Taga-Bicol ka pa. Ang pangit ng accent mo! Ayus-ayusin mo ‘yan! Asan ba nanay mo?!’ Tapos, yung feeling na napahiya ka dun sa set. Yung feeling na hindi lang ikaw pati yung nanay mo napahiya sa set. Ayoko na magkaroon ng ganung feeling.”

Bukod sa pagpapahiya sa kanya, dumating rin daw sa punto na kinukurot-kurot siya nito para lamang umiyak siya sa eksena. Noong mga oras na iyon, walang magawa ang batang si Kyline kundi sumunod at tiisin ang nararanasan niyang discrimination.

Gayunpaman, marami raw siyang natutunan mula sa karanasan niya. Dagdag pa ng aktres, hindi na niya kailangang pangalanan pa ang direktor na ito. Dahil dito, malaki rin daw ang respeto niya sa mga talents dahil alam niya ang pinagdaraanan ng mga ito.

“Siguro ito yung nag-boost ng fire ko para mas galingan ko pa. That’s why I really work really hard to gain that respect. Kaya sobrang taas ng tingin ko sa mga talent ngayon kasi alam ko yung pakiramdam ng talent.”

Read More: Sachzna Laparan, Ibinahagi ang Matinding Karamdaman Niya na Matagal Itinago sa mga Fans

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.