Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Naaalala Niyo pa ba ang EB Host na si Julia Clarete? Silipin ang Buhay Niya Matapos Iwanan ang Showbiz!

“Eat Bulaga” ang tinaguriang longest-running noon time program sa Pinas. Sa paglipas ng panahon, marami na rin tayong natunghayan na mga hosts sa programang ito. Kaya naman kapag naging host o guest ka dito, paniguradong mapapalapit ka rin sa puso ng mga viewers. Isa na marahil sa pinaka-remarkable hosts ng “Eat Bulaga” ay ang dating aktres na si Julia Clarete.

Naaalala niyo pa ba si Julia Clarete? Akala ng ibang fans ay nagsimula sa pagiging Kapuso si Julia, ngunit alam niyo ba na galing siya sa Kapamilya network noon?

Taong 1996 nang sumali si Julia sa talent search program na “Star Circle” sa ABS-CBN. Napabilang siya sa Batch 4 ng show, at dito na nagsimula ang kanyang career sa showbiz.

Read More: “Seaman naman asawa mo”- Demanding na Nanay, Pilit na Humihingi ng P6k sa Ninang Para sa Binyag ng Anak Niya

Mas higit na nakilala si Julia nang sumali siya bilang regular host sa “Eat Bulaga.” Bukod sa pagiging host, nagsimula rin siyang ipamalas ang kanyang iba pang talento matapos itong sumabak sa pag-arte at pagkanta. Ngunit ilang taon lamang ang lumipas at tuluyan na ngang nilisan ni Julia ang mundo ng showbiz.

Limang taon na rin ang nakakalipas magmula nang talikuran ni Julia ang kanyang career upang mamuhay ng tahimik. Mula sa Pinas ay lumipat ang dating host sa Malaysia.

Dito na rin siya nakapag-asawa, at hindi nagtagal ay sa Malaysia na rin bumuo ng pamilya si Julia. Maraming fans ang talaga namang natutuwa dahil sa masayang buhay ngayon ng “Eat Bulaga” host

Biniyayaan din siya ng isang anak na lalaki, na talaga namang artistahin rin tulad ng nanay niya! Ngunit sa kabila ng lahat, hindi maalis ang pagtataka ng mga fans kung bakit nga ba nilisan ni Julia ang showbiz.

Sa kanyang nakaraang interview with Toni Gonzaga sa “I Feel You,” nag-open up naman si Julia sa desisyon niyang ito. Ayon sa dating host, hindi rin naging madali na iwan ang kanyang career, ngunit ginabayan siya ni Lord sa kanyang desisyon.

“You really just ask for guidance from God kung ano ba talaga ang gusto niya for you. Parang I wanted to try something that was good. Something new, something good. What is it like to live in a different country? I was a different person,” pahayag ng dating host.

Read Also: Maja, Tinesting Kung Sino ang mga Totoong Kaibigan Niya Matapos Utangan ang mga Ito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para s aiba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

entertainment

Do you still remember Angelica Jane Yap? She is the “Pastillas Girl” of “It’s Showtime”. Sometimes she cried and giggled for your lunch. View...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.