Connect with us

Hi, what are you looking for?

News

PBA Player Jio Jalalon, Binuking ng Sariling Misis Niya sa Kababalaghang Ginagawa Nito sa Video Call

Usap-usapan ngayon sa social media ang pasabog ng misis ng isang sikat na basketball player. Ayon kay Kristina Jalalon, asawa ng Magnolia guard na si Jio Jalalon, nahuli niya sa akto na mayroong ibang babae ang kanyang asawa. Ibinahagi niya sa social media ang kanyang hinanaing tungkol sa di umano’y madalas na pagloloko nito kahit pa may anak na sila.

“Napaka-sweet naman pala sa ibang babae pero sa sariling asawa puro pagkukulang. Nakakapagod manahimik, traumang trauma na ko sa lahat ng panloloko mo. Huling huli na to, nag-evolve ka na madasalin ka na, kala mo nagbago na talaga. Gusto mo pa mag Christian? Napaniwala at napaasa mo na naman ako na magbabago manlolokong katulad mo!”

Read More: “Seaman naman asawa mo”- Demanding na Nanay, Pilit na Humihingi ng P6k sa Ninang Para sa Binyag ng Anak Niya

Sa kanyang mga posts, ipinahiwatig rin ni Kristina na hindi ito ang unang beses na nagloko ang kanyang asawa. Ayon dito, nagkaroon na siya ng trauma dahil sa mga naranasan niyang problema sa piling ni Jio. Kung dati ay kinikimkim niya lang ito, ngayon naman ay nag-desisyon na siyang isiwalat ang mga kalokohan nito sa social media.

Ang masaklap pa dito, nahuli pa mismo ni Kristina ang asawa niya na mayroong ka-chat na ibang babae. Bukod sa pagme-message, nagawa rin di umano ni Jio na makipag video call sa ibang babae.

Ibinahagi rin ni Kristina ang mga screenshot mula sa mga malalaswang video call ni Jio at ng mga babae nito.

“Napakasakit, kala niyo lagi na lang ako nagmamakaawa na wag na ako lokohin kasi kawawa mga anak namin, ang liliit pa! Napakawalang puso! Buong pamilya lang hinihiling ko, di pa maibigay, kailangan ko pa ipagmakaawa. Pag nahuli mo ikaw pa pagmamalakihan na sayo na mga anak mo, maghiwalay na tayo. Kala mo hindi niya anak,” dagdag ni Kristina.

Sa kabilang banda, umani ang post ni Kristina ng iba’t-ibang reaksyon sa social media. Maraming netizens ang hindi mapigilang magalit dahil sa ginagawang panloloko ng NBA player. Hindi nila akalain na ganito pala ang totoong kulay ng paboritong basketball player nila.

Read Also: Maja, Tinesting Kung Sino ang mga Totoong Kaibigan Niya Matapos Utangan ang mga Ito!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.