Connect with us

Hi, what are you looking for?

local

Pulis na Nakisali sa April Fool’s Prank, Sinibak sa Serbisyo at May Haharapin Pang Kaso!

Dahil sa biglaang pagtaas ng COVID-19 cases sa NCR, muling ibinalik ng Inter-Agency Task Force ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at iba pang rehiyon. Kaakibat nito ang mahigpit na pagpapatupad sa mga quarantine protocols. Hindi muna pinapayagan ang mga non-essential travel at pagtitipon upang maiwasan ang paglaganap ng virus.

Sa kabila ng striktong protocols, may mga pasaway pa rin ang nakilahok sa isang April Fool prank sa Pampanga. Maging mga pulis ay nakisali sa prank na ito, na pakulo ng Sy Music Entertainment. Ibinahagi nila ang video ng prank sa Facebook, at agad namang umaksyon ang mga otoridad dito.

Read More: “Na-discriminate ako”- Kyline Alcantara, Ipinahiya sa Set Dati Dahil sa Pagiging Probinsyana Niya

Dahil sa paglabag sa protocols, pansamantalang na-relieve sa posisyon ang lahat ng tauhan ng Pampanga Police Station 4. 41 na pulis ang haharap sa administrative case dahil sa pagsali sa prank na ito. Pati ang mga taong kasali sa prank ay haharap rin sa kaso dahil sa paglabag sa health protocols.

Ayon kay Police Brigadier General Valeriano de Leon, suportado nila ang desisyon ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin na i-relieve sa pwesto ang mga uniformed personnel. Sa ngayon ay nagsasagawa pa rin ang mga otoridad ng imbestigasyon ukol dito.

Pinapaimbestigahan rin ang Sy Music Entertainment upang matukoy kung sino ang mananagot dahil sa prank na ito. Sa isang statement, nilinaw rin ni De Leon na hindi nila tino-tolerate ang paglabag ng mga uniformed personnels sa IATF guidelines sa kalagitnaan ng pandemic.

“We do not condone any misconduct and misdemeanor from our personnel especially this time of pandemic. We are serious and stern in the implementation of IATF guidelines and we even risked our lives to contain the widespread of the virus and their acts are unacceptable.

Read More: “Wala akong pang-abono”- Rider, Napaiyak na Lang Matapos Mabiktima ng Fake Booking Mula sa Scammer!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

entertainment

Do you still remember Angelica Jane Yap? She is the “Pastillas Girl” of “It’s Showtime”. Sometimes she cried and giggled for your lunch. View...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.