Connect with us

Hi, what are you looking for?

local

Sachzna Laparan, Ibinahagi ang Matinding Karamdaman Niya na Matagal Itinago sa mga Fans

Ayon sa kasabihan, ang kalusugan ay kayamanan. Ngunit hindi lang dapat pisikal na katawan ang pangalagaan natin, kundi maging ang ating pag-iisip. Sa panahon ngayon, hindi na biro ang pagkakaroon ng mental health problems. Kahit gaano ka pa kalusog o kayaman, maaari ka pa ring makaranas ng depression, anxiety, at iba pa.

Kamakailan lang, ibinahagi ng social media influencer na si Sachzna Laparan ang pinagdaraanan niya ngayon. Sa kabila ng kanyang masayang ngiti sa kanyang mga videos, sinong mag-aakalang mayroon palang tinatagong lungkot ito? March 31 nang magbahagi si Sachzna ng isang maikling video sa kanyang channel.

Read More: “Girlfriend niya po ako”- Arabella del Rosario, Ibinuking na ang Relasyon Nila ni Jimuel Pacquiao!

Sa kanyang video, ipinakita ni Sachzna ang mga masaya niyang moments sa harap ng camera. Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti, ipinakita rin ni Sachzna ang kanyang mga anxiety attacks. Kadalasan ay nakakaranas si Sachzna ng anxiety attack, at kailangan nito ng tulong ng mga tao sa paligid niya.

“Mental health is not a joke, anxiety is real, depression is real. Its okay to seek HELP and ask for HELP if you need it. There are things that we can fix it by ourselves and there are things that we need HELP to fixt it. Asking for HELP doesn’t make you less as a person, It doesn’t make you anyless of whoever you are,” pahayag ni Sachzna sa Facebook.

Matagal na rin niyang nilalabanan ang kanyang anxiety. Ayon pa rito, hindi daw dapat ituring na biro o katatawanan ng mga tao ang mental health. Nagbigay rin si Sachzna ng taimtim na mensahe sa mga kagaya niyang mayroong pinagdadaanan.

Ayon kay Sachzna, mahalaga ring humingi ng suporta sa mga mahal mo sa buhay upang malampasan mo ang mga pagsubok.

“Big shout out to anyone who currently fighting their own silent battles, Hang on! God won’t put you in that situation if you can’t handle it. You are a fighter, You are loved and Remember stop looking for Happiness, Start creating it. Make it happen. Praying for your peace of mind and healing. Sending so much love and virtual hug! You got this!”

Read More: Vicki Belo, Ibinunyag Kung Paano Pinatawad si Hayden sa Kabila ng Kontrobersyal na Video Nito Dati!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.