Connect with us

Hi, what are you looking for?

viral

“Seaman naman asawa mo”- Demanding na Nanay, Pilit na Humihingi ng P6k sa Ninang Para sa Binyag ng Anak Niya

Isang karangalan ang gawin kang ninang o ninong sa isang sanggol. Sa ating kultura bilang Pinoy, ang pagiging ninong at ninang ay responsibilidad upang magabayan mo ang bata hanggang sa paglaki nito. Tinuturing rin sila bilang pangalawang magulang, kaya naman napaka-swerte mo kung mayroon kang mga mabubuting ninong at ninang na gagabay sayo.

Dahil dito, hindi basta-basta ang pagpili sa mga magiging ninong at ninang ng anak mo. Ngunit sa kasamaang palad, maraming mga magulang ngayon ang pinagkakaperahan na lamang ang mga ninong at ninang. Para sa kanila, mas mabuting kumuha ng mga ninong at ninang na may perang maibibigay sa kanilang mga anak.

Read More: Sachzna Laparan, Ibinahagi ang Matinding Karamdaman Niya na Matagal Itinago sa mga Fans

Kamakailan lang, isang netizen ang nagbahagi ng nakaka-dismaya na usapan nila ng kanyang kaibigan. Matapos ang ilang taong hindi pag-uusap, bigla na lamang nag-message ito sa kanya. Ayon sa kanyang kaibigan, malapit na ang binyag ng anak nito at balak siyang kunin bilang isa sa mga ninang.

Natuwa naman ang netizen na ito, ngunit hindi niya inaasahan na may kapalit pala ito! Bigla na lamang humirit ang kanyang kumare ng P800 upang ipambayad sa simbahan. Bukod pa diyan, nakiusap rin ito na sagutin na lang ng ninang ang cake at cupcakes sa binyag, na aabot rin sa P5,000.

“Ngek ano ba naman sayo yung P5k, eh nung high school nga nilibre mo kami sa bayan dati tapos seaman pa asawa mo. Please mars kukunin ko mamaya ako na papagawa ng cake para di na abala sayo pati yung P800 na bayad sa simbahan. Kukunin pa naman sana kita kasi kagalante mo samin dati,” dagdag pa ng demanding na nanay.

Ngunit para walang gulo ay maayos naman na tumanggi ang ninang. Ayon sa kanya, marami siyang gastusin na kailangang unahin kung kaya’t hindi niya maibibigay ang hinihiling nitong halos P6,000. Mukhang dinamdam naman ito ng nanay, at sinabing ibang ninang na lamang ang kukunin niya dahil ‘madamot’ ito.

Sa kabilang banda, agad namang nag-viral sa social media ang usapan nila. Maraming netizens rin ang naka-relate sa kanyang karanasan, dahil may kakilala rin silang demanding na nanay!

Read Also: Lalaki, Ipinagyabang ang Montero Niya Pero Nanghihingi ng Gas Money sa mga Ka-Date!

Ano ang masasabi nmo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

entertainment

Do you still remember Angelica Jane Yap? She is the “Pastillas Girl” of “It’s Showtime”. Sometimes she cried and giggled for your lunch. View...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.