Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Vicki Belo, Ibinunyag Kung Paano Pinatawad si Hayden sa Kabila ng Kontrobersyal na Video Nito Dati!

Bilang isang celebrity, kasama na sa pagsikat ang pagharap sa mga kontrobersya. Dito mo rin makikita kung gaano katatag ang isang tao. Ngunit para sa celebrity doctor na si Hayden Kho, kahit anong kontrobersya ay kakayanin basta’t suportado ka ng iyong mga mahal sa buhay. Kamakailan lang ay nagbalik-tanaw si Hayden sa isa sa mga pinakamadilim na bahagi ng buhay niya.

Taong 2008 nang kumalat ang scandal ni Hayden Kho kasama ang aktres na si Katrina Halili. Noong mga panahong iyon ay kapareho na rin ni Hayden si Dra. Vicki Belo. Sa kanyang nakaraang interview, aminado si Hayden na dumanas siya ng depresyon dahil sa kontrobersyang ito.

Read More: “Hirap kumita”- Heart Evangelista, Napilitang Mag-Sexy Pictorial Dati Para sa Pera

“Walang words to describe it. It’s a mixture of definitely there’s a lot of humiliation. There’s a lot of fear and there’s a feeling of desperation, na ‘what am I gonna do to fix this?’ When your dark life is exposed to the light, medyo nakakatakot talaga,” pahayag ni Hayden, na aminadong nalugmok siya noong mga panahong iyon.

Ngunit sa kabila ng lahat ng nangyari, sinuportahan pa rin siya ng kanyang partner na si Dra. Vicki Belo. Matapos maghiwalay ng ilang buwan, mas pinili raw ni Dra. Belo na bigyan muli si Hayden ng chance. Hinarap rin nila ang kontrobersya nang magkasama, lalo pa’t nang pagtangkaan ni Hayden ang kanyang buhay.

“I was very sure that Hayden was very kind. There was no problem with me. I know this guy is capable of so much, kaya lang he got the wrong breaks when he was young and he couldn’t control it. I know God will help him get it together but until that time, naga-alalay lang naman ako.”

Ilang taon rin ang lumipas at ipinag-isang dibdib ang dalawa sa isang bonggang kasalan sa Paris. Ayon kay Hayden, marami rin siyang natutunan sa kanyang karanasan. Dahil dito, mas napalapit rin daw siya sa kanyang asawa at sa Diyos. Biniyayaan rin sila ng kanilang unica hija na si Scarlet Snow.

Read Also: Caught on Cam: NBI, Ni-Raid ang Isang Online Store na Nagbebenta ng Pekeng Designer Bags sa Kalagitnaan ng Live Selling!

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.