Connect with us

Hi, what are you looking for?

viral

“Wala akong pang-abono”- Rider, Napaiyak na Lang Matapos Mabiktima ng Fake Booking Mula sa Scammer!

Nitong nakaraang linggo, naging usap-usapan sa social media ang ginawang panloloko sa mga Grab drivers. May isang scammer ang umorder ng mahigit sa P15,000 worth na mga pagkain at ipinadeliver sa isang fake address. Ngayon naman, isang Angkas rider ang nakaranas nito matapos makatanggap ng fake booking mula sa isang mapagsamantalang tao!

Viral ngayon sa social media ang video ng isang Angkas rider na ito. Isang good Samaritan ang napansin ang rider na nasa gilid ng kalsada habang umiiyak.

Ayon sa rider, hindi kinuha ng customer ang order nito na fried chicken at burger na malaki-laki rin ang halaga. Naiiyak na lamang ang rider dahil wala itong pang-abono.

Read More: Sachzna Laparan, Ibinahagi ang Matinding Karamdaman Niya na Matagal Itinago sa mga Fans

Mabuti na lamang at mabait ang puso ng lalaking nakatagpo niya. Kinausap nito ang Angkas rider at nag-volunteer na bibilhin na lamang niya ang mga orders na hindi kinuha ng scammer.

Labis labis naman ang pasasalamat ng rider dahil ayon sa kanya, hindi pa sapat ang kita niya upang abonohan ito.

Matagal na ring issue ang pagkakaroon ng ‘fake booking’ sa mga delivery apps gaya ng Food Panda at Grab Food. Dahil walang maayos na verification, maaaring umorder ang isang scammer nang hindi muna nagbabayad. Dahil dito, maraming riders na rin ang nabibiktima at napeperwisyo ng mga fake booking.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang agad na nag-react sa video na ito. Sa ngayon ay umabot na sa 21,000 shares ang video ng Angkas rider sa Facebook. Hindi mapigilang magalit ng mga tao dahil sa sinapit ng kaawa-awang rider na ito sa kamay ng mga manloloko. Silipin ang kanilang reaksyon dito:

“Kawawa naman c kuya, may awa din po ang Panginoon Diyos sayu.”

“Salamat sainyo sa mga bumili Kay kuya nakakaawa kapag pumatak ung luha nang isang tao lalo na lalaki bihira umiyak dama ko Ang sama nang loob at hirap nya para Kumita.”

“Dapat gawan ng paraan ng online food delivery company yan suggestion ko lang bawat order dapat ma-trace yung mismong phone na ginamit.”

Read Also: Lalaki, Ipinagyabang ang Montero Niya Pero Nanghihingi ng Gas Money sa mga Ka-Date!

Panoorin ang buong pangyayari dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa Facebook.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.