Connect with us

Hi, what are you looking for?

entertainment

Zeinab Harake, Ipinasilip ang Kanyang Baby Bump sa Mala-Fairytale na Maternity Pictorial!

Para sa isang buntis, wala na sigurong mas nakaka-excite pa sa iyong maternity photo shoot! Maraming babae ang talaga namang nangangarap na magkaroon ng bonggang maternity pictorial. Ito rin ang paraan nila para maging memorable ang kanilang pagbubuntis. Kaya naman sa panahon ngayon, kung ano-anong pakulo na rin ang nauuso sa maternity shoots.

Kamakailan lang, napa-“wow” ang mga netizens sa mala-fairytale na maternity pictorial ng social media influencer na si Zeinab Harake. Nasa third trimester na si Zeinab sa kanyang baby with Ex-Batallion member Skusta Clee.

Upang masulit ang mga natitirang araw bago niya makita ang kanyang baby, naghanda si Zeinab ng isang bonggang pictorial.

Read More: Naaalala Niyo pa ba ang EB Host na si Julia Clarete? Silipin ang Buhay Niya Matapos Iwanan ang Showbiz!

“Disney Princess” ang theme ng mala-fairytale na pictorial ni Zeinab. Maraming netizens ang napahanga sa effort na ibinuhos ni Zeinab at ng kanyang team dito.

Mula sa kanyang mga costumes, makeup, at set styling, talagang pinaghandaan at ginastusan upang mapaganda ito. Hindi lang isa, hindi lang tatlo, kundi anim na Disney princesses ang ginaya ni Zeinab!

Nag-dress up ang expecting mommy bilang sina Cinderella, Aurora sa Sleeping Beauty, Snow White, Ariel ng The Little Mermaid, Belle sa Beauty and the Beast, at Jasmine sa Aladdin. Sa bawat costume change, pinalitan rin ang set upang mas mapabagay ito sa kanilang tema.

Ayon sa mga fans, mukhang pinag-isipan at pinaghandaan talaga ni Zeinab ang kanyang maternity photo shoot. Hindi rin maipagkakaila na blooming ito sa kanyang pagbubuntis, kaya naman maraming fans na rin ang excited na ma-meet ang kanyang baby.

Sa kabilang banda, October 2020 nang isiwalat ng vlogger ang kanyang pagbubuntis sa publiko. Ayon kay Zeinab, muli silang nagkabalikan ng kanyang on-and-off na boyfriend na si Skusta, at ilang linggo lang ay nagbunga na ang kanilang pagmamahalan.

Read Also: PBA Player Jio Jalalon, Binuking ng Sariling Misis Niya sa Kababalaghang Ginagawa Nito sa Video Call

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Advertisement
Advertisement

Trending

You May Also Like

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

entertainment

Do you still remember Angelica Jane Yap? She is the “Pastillas Girl” of “It’s Showtime”. Sometimes she cried and giggled for your lunch. View...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.