Connect with us

Hi, what are you looking for?

viral

Matandang Tindera ng Gulay, Nakatulog na Lamang sa Gilid ng Kalsada Dahil sa Pagod

Hindi maipagkakaila na karamihan sa ating mga Pinoy ay namulat sa mahirap na buhay. Marami sa atin ang “Isang kahig, isang tuka,” kung kaya naman nagpupursigi tayo upang makaraos araw araw. Dahil mahirap ang buhay, araw-gabi tayong kumakayod. Dahil dito, maraming may edad na ang napipilitang magtrabaho pa para lamang may ipakain sa kanilang pamilya.

Talaga nga namang nakakalungkot makakita ng mga lolo at lola na naghahanapbuhay pa rin para lamang kumita. Kahit pa hindi na kaya ng kanilang katawan, pinipilit nilang magtrabaho kapalit ng kakarampot na kita. Kagaya na lamang ng matandang babaeng ito, na kamakailan lang ay nag-viral sa social media.

Read Also: Goodbye Jamill na nga ba? Jayzam, Huli sa Akto na May Kahalikang Ibang Babae!

Maraming netizens ang di mapigilang maging emosyonal sa nakakaawang kalagayan ni Lola. Isang concerned netizen ang nagbahagi ng mga larawang ito, na agad ring nag-viral sa social media. Sa mga viral photos, makikita ang isang matandang babae na nagbebenta ng gulay sa tabi ng kalsada.

Kahit pa matanda na si Lola, pilit pa rin itong naghahanapbuhay para lamang kumita. Nagtitinda ito ng sari-saring gulay sa tabi ng kalsada tuwing umaga. Ngunit sa sobrang pagod sa kakabantay ng kanyang mga paninda, nakakatulog na lamang ito sa daan. Nasa ganitong sitwasyon siya nang mapicturan siya ng isang dumadaan na concerned citizen.

Karamihan sa edad ni Lola ay nasa bahay na lamang at nagpapahinga. Ngunit dahil may pamilya siyang dapat buhayin, nagsusumikap pa rin siyang maghanapbuhay. Kaya naman bumilib ang mga netizens sa katatagan niya. Matapos mag-viral ang larawan na ito, marami rin ang nais maghatid ng tulong kay nanay.

Umaasa ang marami na sasapat ang tulong na natanggap ni Lola mula sa social media upang tumigil na ito sa paghahanapbuhay. Hindi maitatangging delikado rin ang lumabas ngayon, lalo pa’t nasa kalagitnaan tayo ng COVID-19 pandemic.

Read Also: Col. Bosita, May Bwelta kay Nebrija! Hindi Inatrasan ang MMDA Chairman Matapos Siyang Bantaan Nito sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.