Connect with us

Hi, what are you looking for?

News Feeds

Boksingerong si Albert Pagara, dinakip dahil sa kasong panggagahasa sa 14 anyos sa Cebu City

Arestado ang professional na boksingero na si Albert Pagara sa kasong panggagahasa.
Sa spot report ng Cebu City Police Office, dinakip si Pagara, 27, matapos akusahan ng pangangahasa ng 14 anyos, Grade 8 student na biktima.
Dinakip ang suspek ng mga brgy tanod sa pamamagitan ng citizens arrest (CITAR) sa Sitio Terra Dulce, Brgy Inayawan, lungsod ng Cebu.
Sa inisyal na imbestigasyon, habang natutulog ang menor de edad na biktima, nagising nalang ito nang tanggalin ni Pagara ang romper dress nito.
Dinilaan umano ng suspek ang dibdib ng biktima at ipinasok ang daliri sa ari.
Daling dumulog ang ina sa mga otoridad dahilan upang arestuhin ang boksingero.
Sa blotter, alas-7:30 kagabi Septyembre 1 ng nasabing lugar dinakip si Pagara.
Tinurn over ang ranked no. 7 ng World Boxing Organization (WBO) sa Pardo Police Station.
Patuloy na iniimbestigahan ang naturang kaso.
Huling lumaban sa ibabaw ng ring sa Albert Pagara noong December 18, 2020 kung saan nagwagi ito sa pamamagitan ng unanimous decision laban kay Virgil Puton.
Mayroon itong record na 33 panalo, 1 talo na may 23 knockout.
Nitong Hulyo ay napabilang si Pagara sa listahan ng Games and Amusement Board (GAB) sa forty Filipino boxers sa latest world rankings sa apat na major sanctioning bodies na WBC, WBA, IBF at WBO.
Si Pagara ay kabilang sa limang Filipino fighters na nasa super bantamweight kung saan kahanay nito sina Mike Plania, Jeo Santissima, Marlon Tapales, at Carl Jammes Marin.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.