Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Exclusive Room Tour: Silipin ang Napakakikay na Kwarto ng EB Host na si Ryzza Mae!

Talagang napakabilis ng panahon! Parang kailan lamang ay isa pang child star si Ryzza Mae Dizon. Ngayon, isa na itong ganap na dalaga. Ilang taon ring naging child star host ang dating “Little Miss Philippines” winner sa longest-running noon time show na “Eat Bulaga.” Dito na rin nakilala si Ryzza dahil sa talento nito pagdating sa hosting, dancing, at pagkanta.

Sa paglipas ng panahon, talaga namang nabihag ni Ryzza ang puso ng mga viewers. At dahil lumalaki na rin ang kanyang fan base, gumawa rin si Ryzza Mae ng kanyang sariling vlog sa Youtube.

Sa pamamagitan nito ay ibinabahagi ni Ryzza ang kanyang mga pang-araw araw na buhay upang mas mapalapit sa mga fans.

Read More: Naaalala Niyo pa ba ang EB Host na si Julia Clarete? Silipin ang Buhay Niya Matapos Iwanan ang Showbiz!

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Ryzza ang kanyang most requested video na home tour. At bilang update sa kanyang video, isinunod ring ibinahagi ni Ryzza Mae ang kanyang exclusive room tour na talaga namang nagpa-excite sa mga fans! Ang dream home ni Ryzza ay nasa Tandang Sora, Quezon City.

Sa kanyang bagong video, ipinasilip ni Ryzza ang interior design sa kanyang kwarto. Pagpasok pa lamang sa kanyang kwarto, mapapansin na agad ang theme nito na puro pink. At kahit pa hindi ito masyadong malaki, maaliwalas at malinis naman ang kwarto ni Ryzza Mae.

At dahil nga pink ito, mukhang bagay na bagay rin sa kikay personality ni Ryzza Mae ang kanyang kwarto. Dito rin lumabas ang pagiging malinis at masinop ng dating child star. Sa loob ng kanyang kwarto, mapapasin na lahat ng gamit ni Ryzza ay naka-organize.

Ipinakita rin ni Ryzza ang kanyang shoe at bag collection. Mahilig rin si Ryzza sa pagde-dress up, kaya naman kumpleto ang closet nito ng iba’t-ibang outfits. Sa katunayan, sa dami ng kanyang damit pambahay at pang-alis ay dalawang closet ang punong-puno ng gamit niya!

Read Also: PBA Player Jio Jalalon, Binuking ng Sariling Misis Niya sa Kababalaghang Ginagawa Nito sa Video Call

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.