Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Kathryn Bernardo, Ipinasilip ang Bonggang Newly-Renovated Kitchen sa Kanyang Vlog

Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay ipinasilip na rin ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang kanyang dream home! Sa kanyang vlog, pinagbigyan ni Kathryn ang isa sa mga most requested video niya sa kanyang Youtube channel. Ayon kay Kathryn, matagal niya ring pinag-isipan kung ready na ba siyang ibahagi ang kanyang home tour sa social media.

Ayon sa 25-anyos na Star Magic actress, hindi siya komportableng ibahagi ang kanyang home tour, dahil naniniwala siyang pribado lamang ito. Kaya naman para sa kanyang video ay ipinakita muna ni Kathryn ang kanilang kitchen area. Excited si Kathryn na magbigay ng tour sa kanilang newly-renovated kitchen.

Read Also: Goodbye Jamill na nga ba? Jayzam, Huli sa Akto na May Kahalikang Ibang Babae!

“A lot of you have been requesting for a house tour video. But to be honest with you, I’m really private when it comes to these things because I feel that’s very personal. But today, I decided to share with you a sneak peek or a look at our home kitchen,” pahayag ni Kathrn.

Para sa kanyang vlog, inimbitahan rin ni Kathryn ang professional organizer ng Neat Obsessions na si Issa Reyes. Ayon kay Kathryn, malaki ang naitulong ni Issa sa pag-aayos ng kanilang kichen. Dahil dito, talaga namang mukhang organized at malinis ang kanilang kitchen area. Nais rin ni Kathryn na makakuha ng ideas ang mga netizens mula sa kanyang vlog.

Ayon kay Reyes, kapag nagre-renovate ng kitchen, mahalagang isaalang-alang ang flow of movement. Sa ganitong paraan, mas magiging efficient ang inyong kitchen layout.

Kapag pinag-isipan ang layout, mas makakatulong din daw ito upang maka-save ng oras at effort sa pagluluto.

“You have to know paano ka kumikilos sa kitchen every day. Make sure you have an efficient flow of things when you move around, when you cook, when you set the table. Hindi ka masyadong ikot nang ikot. It’s really the layout and how you’re going to put things together just so mas minimal ang movement mo in the kitchen.”

Dagdag pa ni Kathryn, noong lockdown niya lamang naisipang ipa-renovate ang kanilang kitchen. Tuwang tuwa rin daw siya sa kinalabasan nito.

Read Also: Col. Bosita, May Bwelta kay Nebrija! Hindi Inatrasan ang MMDA Chairman Matapos Siyang Bantaan Nito sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.