Connect with us

Hi, what are you looking for?

celebrities

Rabiya Mateo, Nangako Pala na Hindi Iiwan ang Boyfriend Niya Kahit pa Masungkit ang Korona sa Miss Universe!

Taong 2020 nang itanghal bilang kauna-unahang Miss Universe Philippines ang Iloilo bet na si Rabiya Mateo. Binihag ng 24-anyos na beauty queen ang puso ng publiko dahil sa kanyang Filipina beauty at sa angkin nitong talino. Kamakailan lang, tumungo na sa United States si Rabiya upang makipag-compete sa nalalapit na Miss Universe 2020 na gaganapin sa Miami, Florida.

Ngunit alam niyo ba na bago pa man siya maging beauty queen, simple lamang ang pamumuhay ni Rabiya? Tubong Iloilo si Rabiya at ang pamilya niya.

Bata pa lamang ay namulat na siya sa kahirapan, kaya naman nangako siya sa sarili niya na kapag umasenso siya ay hindi niya tatalikuran ang mga taong tumulong sa kanya.

Read Also: Col. Bosita, May Bwelta kay Nebrija! Hindi Inatrasan ang MMDA Chairman Matapos Siyang Bantaan Nito sa Social Media

Isa na dito ay ang kanyang nobyo na si Neil Salvacion. Sa kanyang interview sa ABS-CBN News, ibinahagi ng beauty queen na matagal na silang magkasama ng kanyang nobyo.

Nagsimula ang pagtitinginan nila noong kolehiyo pa lamang sila. Simula noon ay mas lalo lang tumatag ang kanilang relasyon, kahit pa busy si Rabiya sa kanyang career.

Ayon kay Rabiya, talagang supportive ang boyfriend niya para sa kanyang career. Sinuportahan rin siya nito noong nag-uumpisa pa lang siya sa pageant world. Isa lamang daw ang request nito, na wag siyang ipagpapalit ni Rabiya kapag nanalo ito sa Miss Universe Philippines, bagay na nirecord pa ng dalawa.

“We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend. We’ve been together since college. I can make a man stay. He made me promise not to leave him even if I win the Miss Universe Philippines crown. I have a video stating that! He made me do that.”

Desidido rin si Rabiya na ipagpatuloy ang kanilang relasyon kahit pa busy siya sa kanyang career. Ayon sa beauty queen, ‘true love’ niya na daw ang kanyang nobyo, kaya naman hindi na niya ito papakawalan.

Read More: “Bat ako magbabayad?”- Melai, Ibinunyag Kung Bakit Hindi Siya Pumapayag Sagutin ang Tuition Fee ng Kamag-anak

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.