Connect with us

Hi, what are you looking for?

local

Security Guard, Napaiyak na Lamang Dahil Mahigit Isang Linggo ng Straight Duty ng Walang Sahod!

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang video na ito ng isang security guard. Sa kanyang video, hindi mapigilang maging emosyonal ng security guard dahil sa kanyang kalagayan. Mahigit isang linggo na di umano siyang nakaduty, dahil pinabayaan na siya ng kanyang agency. Mababakas rin ang labis na pagod at puyat nito.

“Nagtataka ho ako bakit ako ang nag-iisa lang dito. Dalawa ho kami nagdu-duty dito. ‘Yong kasama kong naka-duty, nanonood lang siya ng sabong. Nagkataon ko na may barangay, nagkahulihan. Nahuli po ‘yong kasama ko sa barangay. Ako na lang nag-duty mag-isa noong March 28 hanggang ngayon po.”

Read Also: Goodbye Jamill na nga ba? Jayzam, Huli sa Akto na May Kahalikang Ibang Babae!

Ngunit matapos mahuli ang kanyang kasamahan, walang choice ang sekyu kundi pansamantalang punan ang shift nito. Inakala niyang magpapadala ng kapalit ang kanilang agency, ngunit halos isang linggo na ang lumipas at wala pa ring pinapadalang kapalit. Kaya naman napilitan siyang mag-straight duty.

March 28 nang magsimula siyang magtrabaho. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging diretso ang kanyang duty. Magmula raw noong March 28, dire-diretso na siyang naka straight duty at wala man lang siyang kapalitan.

Pinakita niya rin ang ebidensya na hanggang April 5 ay siya lamang ang naka-duty, dahil hindi nagpadala ng kapalitan niya ang kanyang agency.

Sa loob ng linggong iyon, isang beses lamang siyang binisita ng operation manager. Kinamusta lamang daw nito ang kanyang kalagayan, at binigyan siya ng P100 upang mayroon siyang pambili ng pagkain. Ang masaklap pa dito, delayed rin daw ang kanyang sweldo at walang nang makain ang kanyang pamilya.

Matapos mag viral ang video na ito, marami naman ang nais tumulong sa security guard. Isa na sa kanila ang broadcaster na si Raffy Tulfo. Noong April 8, ifineature ni Tulfo sa kanyang programang “Wanted sa Radyo” ang kalagayan ng sekyu upang matulungan ito.

Read Also: Col. Bosita, May Bwelta kay Nebrija! Hindi Inatrasan ang MMDA Chairman Matapos Siyang Bantaan Nito sa Social Media

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

local

Isaw, betamax, kwek-kwek, balat ng manok, nugget ng manok, at marami pa. Ito ang mga pagpipilian sa pagkain sa kalye na umaagaw sa mga...

local

Sa ngayon, ang motorsiklo ay isa sa mga pinakatanyag na sasakyan sa transportasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang...

News trends

Para sa kahit sinong babae, wala na sigurong mas sasakit pa ang maloko ka ng taong mahal mo. Kaya naman karamihan sa mga babae...

local

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang alitan sa pagitan ni Col. Bosita at Col. Bong Nebrija. Maraming motorista ang nagpahayag ng kani-kanilang...

Copyright © 2020 DB Insights. All rights reserved.